top of page
eoc2.jpg

Ang Trabaho at Pagsasaayos ng Araw ng Pahinga para sa mga Dayuhang Manggagawa sa Bahay sa ilalim ng Covid-19 Pandemic

 

Ang pandaigdigang COVID-19 pandemic ay nagbigay ng takot at pagkabahala sa lahat. Sa bahagyang paghupa ng pagkalat nito sa Hong Kong noong Mayo, ang mga sangay ng pamahalaan ay nagsimulang ibalik muli ang normal na operasyon, at gayun din ang mga klase sa paaralan. Gayunpaman, may mga naibunyag na hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan habang nagkakaroon ng outbreak. Maraming komunidad na kapos sa pribelehiyo ang kumaharap sa mas mahirap sa sitwasyon. Kasama sa kanila ang komunidad ng mga dayuhang manggagawa sa bahay o foreign domestic worker (FDW).

 

Sa isang pagtitipon kamakailan kasama ang aking mga kaibigan, nakatanggap ako ng mga tanong tungkol sa kalakaran sa trabaho at pagsasaayos ng araw ng pahinga para sa FWD sa ilalim ng COVID-19 pandemic mula sa isa sa aking mga kaibigan na kumuha ng FDW upang mag-alaga sa kanyang pamilya. Gusto kong ibahagi sa inyo sa kolum na ito ang mga tanong at kasagutan sa pagitan namin.

 

Kaibigan ko: Labag ba sa batas na tanggalin ng amo ang kanyang FWD na lumabas sa kanyang araw ng pahinga sa panahon ng epidemya, sa takot na baka masagap ng FDW ang virus?

 

Ako: Ayon sa Disability Discrimination Ordinance (DDO), ang ordinansa laban sa diskriminasyon sa may kapansanan, makokonsiderang paglabag sa batas ng diskriminasyon kung itatrato ng amo ang kanyang tauhan nang hindi mabuti (halimbawa, pagsisante) base sa kanyang kapansanan. Dapat tandaan na kasama sa kahulugan ng kapansanan sa ilalim ng DDO ang “imputed disability”. Ang imputed disability ay paghihinala sa taong wala talagang ganitong kapansanan. Ang ibig sabihin nito ay kahit na hindi nahawaan ng novel coronavirus ang FDW, pero sa palagay mo ay nahawa ito at diniskrimina mo, maaaring ikaw na amo nya ay lumabag sa batas.

 

Sinasabi ng Section 61 ng DDO na hindi labag sa batas ang masamang trato sa isang tao kung ang kapansanan nito ay isang nakakahawang sakit at ang diskiminasyon ay kailangan upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko. Pero kailangan nating siguruhin na ang diskriminasyon ay totoong kinakailangan upang mapangalagaan ang kalusugang pampubliko. Ang pamahalaan ay nagpatupad ng mga hakbang upang paglayu-layuin ang mga tao o social distancing simula pa noong Marso, kasama na ang limitasyon sa bilang ng mga tao sa bawa’t grupong nagtitipon sa mga pampublikong lugar. Sa ganitong pangyayari, maaaring labag sa batas para sa amo na sisantehin ang kanyang FDW base sa sapantaha na ang FDW ay nakasagap ng coronavirus dahil lumabas siya sa araw ng kanyang pahinga. At dagdag dito, ang amo ay walang konkretong patunay na ang pagsisante ay kinakalingan upang maprotektahan ang pampublikong kalusugan.

 

Kaibigan ko: May karapatan ba ang mga amo na humiling sa kanilang FDW na magtrabaho o huwag lumabas sa kanyang araw ng pahinga?

 

Ako: Dahil sa pangkalusugang emerhensyang dala ng Covid-19, umapela ang pamahalaan sa mga FDW na manatili sa bahay sa kanilang araw ng pahinga, kung maari, upang pangalagaan ang kanilang kalusugan. Dapat nilang iwasan ang paglabas o ang pagsali sa mga sosyalan gaya ng mga salu-salo, at manatiling malayo sa ibang tao upang maiwasang makasagap ng virus at hadlangan ang pagkalat ng virus sa komunidad. Pero ang pagsaayos ng araw ng pahinga ay dapat napagkasunduan ng amo at ng empleyado. Dapat ipaliwanang ng amo ang espesyal na sitwasyon sa kanilang FDW sa usapan tungkol sa araw ng pahinga. Dapat ay naintindihan ng parehong panig ang sitwasyon ng bawa’t isa at magkasama nilang labanan ang virus. Ang amo na pumipilit sa kanyang FDW na magtrabaho sa araw ng pahinga nang walang pahintulot ng FDW o kaya ay hindi nagbibigay ng araw ng pahinga sa FDW ay lumalabag sa Employment Ordinance (ordinansa sa paggawa) at maaaring usigin.

 

Sana ay nakatulong ang mga impormasyong nasa itaas upang maintindihan ang kalakaran sa trabaho at pagsasaayos ng araw ng pahinga ng FDW sa ilalim ng Covid-19 pandemic. Upang liwanagin ang pagpapatupad ng mga ordinansang laban sa diskriminasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa panahon ng pandemic, isang webpage na laan lamang sa COVID-19 ang sinimulan sa website ng EOC, na nag-ipon ng mga press release at artikulong opinyon na nailabas na ng EOC tungkol sa pandemic, mga interview sa radyo, at impormasyon tungkol sa mga serbisyong ibinibigay ng mga non-government organisation. Mangyaring bisitahin ang webpage at kumuha ng kaugnay na impormasyon.

 

Sa panahon ng mga pagsubok sa paglaban sa COVID-19, tayo ay dapat magsama-sama at tratuhin lahat nang may simpatya. Sa paraang ito lamang natin matatanggal ang diskriminasyon at pagkiling.

eoc1.jpg

Ricky CHU Man-kin,   

Chairman, Equal Opportunities Commission

-------

Ang artikulong ito ay nailathala sa salitang Intsik sa website ng am730 noong ika 14 ng Mayo 2020. http://www.eoc.org.hk/eoc/graphicsfolder/chairpersonsperspectives.aspx

Tandaan: Ang mga FAQ (mga malimit na tanong) tungkol sa COVID-19 at Disability Discrimination Ordinance for Foreign Domestic Workers and Their Employers (Ordinansa sa Diskriminasyon sa Kapansanan para sa mga Dayuhang Manggagawa sa Bahay at Kanilang mga Amo) ay nai-upload sa aming website:

https://www.eoc.org.hk/eoc/GraphicsFolder/showcontent.aspx?content=COVID-19%20and%20Discrimination#content6

Kung ikaw ay dinidiskriminahan o ginugulo dahil sa iyong kasarian, lahi, kapansanan, pagbubuntis, estado ng pamilya o estado ng pagiging asawa, pwede kang makipag-ugnayan sa amin:

eoc2.jpg

16/F, 41 Heung Yip Road,

Wong Chuk Hang, Hong Kong

Hotline: 2511 8211

Fax: 2511 8142

Email: eoc@eoc.org.hk

SMS Enquiry Service: 6972566616538 (Para sa mga may kapansanan sa pagdinig at pagsasalita)

 

Maaaring maikuha ng Interpretation Service kung hihilingin, depende sa pagkakaroon nito

bottom of page